PBBM nilinaw na hindi artificial crisis ang kakulangan sa supply sa mga planta ng NGCP

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang nagaganap na artificial crisis sa mga planta ng National Grid Corporation of the Philippines sa harap ng sunod-sunod na yellow alert noong nakalipas na linggo.

Sinabi ng Pangulo na sa pagkakaintindi nito ay tumaas ang konsumo ng enerhiya sa bansa dahil sa matinding init ng panahon.

Iginiit niya na overloaded ang power system ng NGCP at hindi nakakayanan ang malaking konsumo ng publiko dahil sa epekto ng napakainit na panahon.

Tiniyak ni Marcos na nakabantay ang gobyerno para matukoy kung ano ang mga dapat gawin sa mga biglaan at hindi inaasahang mga kaganapan.

Kasama rin aniya sa mga binabantayan bukod sa supply ng kuryente ay ang presyo ng enerhiya na posibleng tumaas dahil sa biglang pagtaas ng konsumo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *