LGU-Naga wala nang food catering service sa mga atleta sa Palarong Bicol 2024 – allowance, naibigay

NAGA CITY – Hindi na inabot pa ng oras ng Education, Scholarship and Sports Office ang paghahanda sa mga kinakailangan ng mga atleta kaya walang food catering service ang LGU-Naga sa mga ito sa ginagawang Palarong Bicol  2024, ayon mismo kay City Councilor Lito del Rosario, Chairman ng Education Committee sa konseho.

Sa kaniyang paliwanag sa mga taga media at sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang may sapat na budget ang bawat atleta na nagkakahalaga ng P3,600 pesos na siyang pagkukunan ng food allowance ng mga ito bukod pa sa inihandang pagkain ng DepEd Naga na nangako naman na masustansiyang pagkain ang ihahain sa mga manlalaro.

Anya’y sa naturang halaga ay wala ng po-problemahin pa ang mga atleta dahil sa may kanya-kanyang budget ang mga ito para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin habang isinasagawa ang Palarong Bicol na kung saan ang Naga City ang Over-All Champion sa nakalipas na taong 2023.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *