Hindi dadalo si Pangulong Bongbong Marcos sa United Nations General Assembly (UNGA) ngayong buwan sa New York.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), si Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo ang magre-represent sa Pilipinas.
Kinumpirma rin ito ni Philippine Ambassador to US Babe Romualdez, at sinabing nililimitahan daw ni Marcos ang kaniyang mga international trips hanggang sa katapusan ng taon.
Kung maaalala – ilan sana sa mga inaasahang idiriin ng Pilipinas sa UNGA ay ang stand ng Pilipinas sa West Philippine Sea, at ang pagkundena sa mga peligrosong aksyon ng China.
Noong nakaraang taon – si Manalo rin ang dumalo sa UNGA para sa Pilipinas.