PHIVOLCS – nakapagtala ng pinakamataas na ibinugang sulfur dioxide sa Mt. Kanlaon

Naitala ng PHIVOLCS ang pinakamataas na degassing activity mula sa Mt. Kanlaon.

Sa panayam ng Birgada NewsFM Manila kay PHIVOLCS Senior Science
Research Specialist Maricel Capa, sinabi nitong mayroong 11,556 na ibinugang sulfur dioxide (SO2) ang Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Ito raw ang pinakamalakas na pagbuga ng SO2 sa mga nagdaang araw.

Sa kabila nito, bumaba naman sa 79 ang naitalang volcanic earthquakes, kung ikukumpara sa higit 300 noong nakaraang araw.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Tuloy naman ang abiso ng PHIVOLCS sa mga residenteng malapit sa bulkan na mag-doble ingat.

Naitala umano ang ilang sulfuric fumes sa ilang barangay sa Canlaon City, La Carlota, San Carlos, at sa Moises Padilla.