Walang basehan ang sinasabi ni Vice President Sara Duterte na bumubulong ang ilang Kongresista para sa kanyang impeachment.
Ito ang binigyang-diin ni ACT Teachers party-list Rep. Castro kasunod ng inilabas na video ng Office of the Vice President (OVP) kung saan binanggit ni Duterte ang tungkol sa impeachment umano laban sa kanya, at tungkol din sa isyu ng budget ng kanyang opisina.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Castro, deretsahan nitong sinagot na wala namang nilulutong impeachment, at ‘guni-guni’ lang ito ni VP Sara.
Paliwanag pa ni Castro, hindi lang naman sa OVP pinatatanggal ang confidential funds dahil prone ito sa corruption.
Mababatid na una nang pinabulaanan ng mga kongresista na isi-zero nila ang budget ng OVP, at hindi rin kontrolado ng ilang House leaders ang pondo ng tanggapan.