Partial operations ng MRT-7, tuloy sa 2025

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na tuloy ang partial operations ng Metro Rail Transit (MRT) line 7 sa huling quarter ng taong 2025.

Ito ang sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa kabila ng naunang pahayag ng San Miguel Corporation (SMC), na silang nanguna sa konstruksiyon, na posibleng makumpleto ang linya sa taong 2028.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Nasa 12 istasyon naman ang magagamit ng mga komyuter sakaling magsimula ang naturang partial operations ng MRT 7 mula North Avenue station hanggang Quirino station sa Lagro, Quezon City.

Samantala, aasahan sa taong 2026 na mabubuksan ang Tala station sa Caloocan, habang sa taong 2027 naman ang San Jose Del Monte station sa Bulacan.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Pinag-aaralan ng DOTr kung posible pang mapalawak ang MRT 7 upang maidugtong sa Sta. Maria sa Bulacan na malapit sa itinatayong New Manila International Airport.