Dismissed Bamban Mayor Alice Guo – sinampahan na ng money laundering complaint sa DOJ

Sinampahan na ng money laundering complaint ng National Bureau of Investigation (NBI), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), at Anti-Money Laundering Council ang nasibak na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Read More:  Imee Marcos questions ‘Pax Silica’ project, warns of environmental risks

Nagtungo ang nasabing mga ahensya sa Department of Justice (DOJ) para ihain ang kaso laban kay Guo at sa mga incorporators ng Hongsheng Gaming Technology, Baofu Land Development Inc., at Zun Yuan Technology Inc.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Kabuoang 35 ang respondents na kasama sa reklamo.

Samantala, saklaw ng magiging imbestigasyon ang bilyon-bilyong halaga ng transaksyon sa mga bank accounts at assets ni Guo simula 2019 hanggang 2024.