Panukalang batas na naglalayong magpatupad ng pagbabago sa organisasyon ng PNP, vineto ng Pangulo

Ibinalik na ng Palasyo sa Senado ang transmit para sa veto message ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa Senate Bill No. 2449 o House Bill No. 8327 o mas kilala sa tawag na ‘Organizational Reforms in the Philippine National Police’.

Kung saan, isa sa layunin ng nasabing panukalang batas ang pagpapataas sa status ng Philippine National Police Academy (PNPA) Cadets na may entry-level remuneration equivalent na Salary Grade 21.

Ngunit sa kabila nito, nilinaw naman ng Pangulo na kinikilala niya ang paghahain ng panukalang batas na ito pero bilang Chief Executive ay nais niyang matiyak na nagdadala ng kinakailangang reforms ang PNP na ayon sa civil service laws, salary standardization policies at base pay schedules.