2 lalaki, timbog sa drug buy-bust ops sa Tiaong, Quezon

Timbog ang dalawang (2) lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Lalig, Tiaong, Quezon nitong Miyerkules, Hulyo 10.

Ayon sa report, bandang alas-10:00 ng gabi ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas “Chok”, 47-anyos at alyas “Rexford”, 45-anyos.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Sa gitna ng operasyon, nasabat mula sa mga suspek ang mahigit isang (1) gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱37,000 at ang pera na ginamit bilang buy-bust money.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Samantala, kasalukuyan ng nasa kustodiya ng awtoridad ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.