Pangulong Marcos, hinamon si Quiboloy na magpakita na

Magpakita ka!

Ito ang hamon ni Pangulong Bongbong Marcos kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ito’y matapos kwestyunin ng kampo ng pastor ang motibo ng mga pribadong indibidwal na nag alok ng sampung milyong pisong pabuya para sa kanyang ikadarakip.

Sa ambush interview sa Rizal, dinepensahan ng Pangulo ang pag aalok ng reward at sinabing nais lang ng mga private citizens na makatulong upang mahanap na si Quiboloy na nagtatago sa batas.

Kinwestyon din ng Pangulo kung ano ang motibo ng pastor.

Dagdag ni Pangulong Marcos, bakit ang mga otoridad ang palaging kinukwestyon gayung sumusunod lang sila sa batas.

Kaya dapat din anyang sumunod sa batas si Quiboloy at harapin ang mga kaso nito.

Nabatid na nahaharap si Quiboloy sa kasong child abuse at human trafficking.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *