AFP, tuloy ang monitoring kasunod ng drills ng Russia at China sa South China Sea

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala silang natatanggap na ulat hinggil sa Russian corvette na nagsasagawa ng drills kasama ang Chinese warships sa South China Sea.

Sa kabila nito, sinabi ni AFP chief General Romeo Brawner Jr. na titingnan nila ang sitwasyon sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng Pilipinas sa ilalim ng rule-based order.

Ipagpapatuloy din aniya ng ahensya ang kanilang monitoring sa South China Sea.

Batay sa ulat ng Jakarta Post, ang Pacific Fleet Sovershennyi corvette ng Russia, at People’s Liberation Army Navy warships ay nagsagawa ng training sa lugar upang silipin ang umano’y ‘suspicious vessel’ sa ginawang joint naval patrol sa Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *