COMELEC chief Garcia – dinepensahan ang sarili sa gitna ng isiniwalat na isyu hinggil sa kanya umanong 49 offshore accounts

Nanindigan si Commission on Elections Chairman George Garcia na wala siyang offshore accounts, at tanging local accounts lang ang mayroon siya.

Ito ay matapos ang isiniwalat ni SAGIP Party List Rep. Rodante Marcoleta na may isang Comelec official na kumita sa pagpasok ng kontrata sa Miru System.

Sinabi rin nito na may offshore bank account na nagkakahalagang $15.2M o halos P1B ang naka-deposit mula sa Korean bank accounts.

Kabuoang halaga na umano ito ng 49 offshore accounts, at na-trace nila ito sa isang Comelec official.

Una na rin itong sinagot ni Garcia, at sinabing siya ang pinatutungkulan ni Marcoleta.

Kung hindi raw kasi siya magsasalita, baka madamay ang iba pang tauhan ng ng Comelec, maging ang dignidad ng ahensya.

Ayon kay Garcia, kung mapatutunayan ng NBI ang malisyosong impormasyon, at kung sino ang mga taong sangkot dito – maghahain siya ng kaso.

Hinihiling din niya na sana ay malabanan ang misinformation, at fake news.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *