NAGA CITY – Inilatag ni Major General Noe Alberto Q. Peñafiel ang mga pangunahing programang hangad niyang mangyari at ipagpatuloy ngayong siya na ang bagong commander ng 9th Infantry Division Phil Army na kung saan tututok ito sa WIN na ang ibig sabihin ay Work as a team, Innovate for the campaign, and Nurture peace and preparedness for defense.
Sa kanyang mensahe, sinabi niyang kanyang ipagpapatuloy ang mga existing programs ng division na may pagtitiwala, kakayahan at inspirasyon sa mga kasamahang sundalo at sa komunidad na siyang sentro ng kanilang pagsisilbi bilang mga tagapagtanggol ng bawat Pilipino.
Pinalitan ni Peñafiel ang nag retiro ng si Major General Adonis Bajao sa pamamagitan ng isinagawang Change of Command Ceremony na ginawa sa Camp Elias Angeles noong nakaraang Biyernes, Agusto 5 ngayong taong 2024 na dinaluhan ng ilang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines kabilang na si Lieutenant General Roy Galido, ang Commanding General ng Philippine Army.
Si Peñafiel ay pang 18 commander na ng division, isang Bicolano mula sa Albay at miyembro ng PMA “Sambisig” Class of 1991.