Kasamahan ng Korean Navy, sinuntok umano ng isang tricycle driver sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Ikinakalungkot ng Public Safety Office ng Legazpi City ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng isang tricyle driver sa lungsod at isa sa mga kasamahan ng Korean Navy na nagresulta sa panununtok.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi City kay PSO Chief Rolly Esguerra, sinabi nito na ang Koreyano’y isa sa mga tauhan ng Pacific Partnership na nakabase sa Tabaco City. Aniya, base sa report ng mga pulis, Biyernes ng gabi, namasyal umano ang grupo, subalit ang nasabing Koreyano’y naiwanan ng shuttle.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Dahil dito’y nagpapahatid sana ito sa tricycle driver patungong Tabaco City. Subalit hindi paman nakakarating sa lugar, bigla umanong nagbago ang isip ng driver dahil masyado na itong malayo na siya nang pinagmulan ng hindi pagkakaunawaan ng dalawa.

Hanggang sa bumaba ang Koreyano at hindi nagbigay ng bayad na posibleng ikinagalit ng tricycle driver kaya’t nasaktan niya ito.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon kay Esguerra, agad na hinanap ng mga pulis ang nasabing driver, nahuli at agad ding nasampahan ng kaso.

Bnigyang diin niya, hindi kailanman naging tama na manakit ang isang driver sa pasahero, kaya’t gumagawa na rin ng aksyon ang lokal na pamahalaan ukol sa pagdidisiplina sa mga tsuper upang hindi na maulit pa ang insidente.