Pagtanggal sa CIF ng limang ahensya ng gobyerno, wala nang bawian ayon sa Kamara

Paninindigan ng Kamara ang pasya nito na tanggalin ang confidential funds ng limang ahensya ng gobyerno kabilang ang Office of the Vice President sa 2024 proposed national budget.

Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Elizaldy Co, “done deal” o hindi na magbabago ang kanilang desisyon na i-realign ang confidential funds ng OVP, Department of Education, DICT, DFA at Department of Agriculture.

Agad din aniyang sumang-ayon ang Senado sa kauna-unahang pagkakataon nang ihayag ng Kamara ang planong pag-realign ng confidential funds.

Naniniwala rin si Marikina City Second District Representative Stella Quimbo na magpapatuloy na ang “practice” ng reallocation ng confidential funds sa mga susunod na budget sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Iginiit ni Quimbo na nagsisimula ang paglalagay ng kontrobersyal na pondo sa Department of Budget and Management sa pamamagitan ng National Expenditure Program.

Ngunit dahil sa unang beses na nangyari ngayong taon ay magkakaroon na umano ng malinaw na parameters at magiging maingat na ang DBM sa paglalaan ng CIF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *