DILG at COMELEC nagsanib-puwersa laban sa pagbili, pagbenta ng mga boto para sa BSKE

Bilang paghahanda sa pagsisimula ng kampanya para sa ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), nagpasyang magsanib-puwersa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Commission on Elections (COMELEC) laban sa pagbili at pagbenta ng mga boto.

Nilagdaan nina DILG Secretary Benhur Abalos at COMELEC Chairman George Erwin Garcia ang isang Memorandum Of Agreement (MOA) kahapon na naglalayong makipag-tulungan sa iba pang mga ahensiya ng pamahalaan, mga citizens’ arms at iba pang stakeholders upang matiyak ang pagdaraos ng malaya, maayos, tapat at mapayapang halalan.

Sa ilalim ng MOA, magsasagawa ang DILG at COMELEC ng pagsasanay upang ituro sa kanilang mga tauhan ang pagkilala sa mga paraan ng pagbili at pagbenta ng mga boto at pagkalap ng ebidensiya ukol sa election offenses.

Pangungunahan din ng dalawang ahensiya ang isang information campaign tungkol sa pagbili at pagbenta ng mga boto sa mga LGU.

Ang election period para s amga tumatakbo sa barangay at SK ay magsisimula sa October 19 hanggang October 28.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *