Pagsasaprayoridad ng mga full time na mangingisda pagdating sa pagbibigay ng ayuda, tututukan ng CFARMC-Sorsogon

Patuloy na tinututukan ng City Fisheries and Aquatic Resources Management Council (CFARMC) ang kalagayan ng mga full time na mga mangingisda sa lungsod ng Sorsogon.

Ayon sa opisina isa ito sa una nang inilapit ng maraming mangingisda kung saan dapat umanong maayos ang kanilang sitwasyon sa pagbibigay ng ayuda ng LGU at mula sa National Government.

Minsan aniya, mga lihitimong mangingisda pa ang hindi nabibigyan ng ayuda dahil sa dami ng nais rin makatanggap ng tulong kahit hindi naman mangingisda o yaong mga hindi naman araw araw na pumapalot at libangan lamang ang pangingisda.

Ito umano ay hindi patas para sa kanila na tanging pangingisda ang pinagkukunan ng kabuhayan.

Ayon naman sa Committee on Agriculture ng Sangguniang Panlungsod, titiyakin nila na sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang suliranin gaya ng bagyo o ang pagtama ng redtide ay mga full time fisherfolks ang una nilang bibigyan ng ayuda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *