KORONADAL CITY – MAHIGIT sa 1, 200 na mga kasapi ng Philippine National Police , Armed Forces of the Philippines, at mga force multipliers na kinabibilangan ng mga BPATs, reservists, Kabalikat at iba pang volunteer groups at security forces ang idineploy sa South Cotabato sa selebrasyon ng T’nalak Festival 2023.
Inihayag ni Col. Cydric Earl Tamayo, provincial director ng South Cotabato Police Provincial Office (SCPPO) na ang mga ito ang magpapatupad ng mahigpit na seguridad sa kapistahan lalo na sa grand opening at civic military parade, street dancing at anniversary program kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga manonood.
Nanawagan naman si Col. Tamayo sa mga mamamayan na huwag magdala ng mga backpacks, huwag magsuot ng mga mamahaling alahas at ingatan ang mga cellphones at pitaka upang hindi mabiktima ng mga pick pockets.
