Pagpapalipad ng eroplano sa gabi; bahagi lamang umano ng proficiency at skills training ng mga piloto – TOG 2

Ipinaliwanag ni Tactical Operations Group 2 Commander LTCOL Sadiri Tabutol sa ika-50 na episode ng UP-UP Cagayan Valley na bahagi lamang ng proficiency at skills training ng mga piloto ang isinasagawang pagpapalipad ng eroplano sa gabi.

Ayon pa kay LTCOL Tabutol, huwag mangamba ang mga residente ng Cauayan City sa tuwing nakakarinig ng tunog ng mga helicopter tuwing gabi dahil ito ay paraan lamang ng mga piloto upang maging proficient at updated ang kanilang night vision.

Aniya, kailangang masanay ang mga piloto sa pagpapalipad ng eroplano sa gabi upang mahinang pa ang kakayahan ng mga ito na gumamit ng mga night vision travel equipment.

Ito umano ay upang maging handa lamang ang kanilang piloto sa oras na mayroong night related mission ang Philippine Airforce.

Samantala, inihayag naman ni LtCol Tabutol na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng proactive measure at maintenance activities sa kanilang mga equipment at air asset upang matiyak na ligtas ang kanilang mga piloto at crew na gagamit nito.

Dagdag pa nito, upang maiwasan aniya ang aksidente at ipinagpapaliban na nila ang kanilang mga air mission ng hindi naman aniya prayoridad kung hindi maganda ang lagay ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *