Inbound travelers na fully vaccinated, hindi na sasailim pa sa mandatory quarantine ng Batanes

Hindi na sasailalim pa sa mandatory quarantine ang mga biyaherong darating sa probinsya ng Batanes kung ang mga ito ay fully vaccinated na at walang simtomas ng Covid-19.

Ito ay matapos ang rekomendasyon ng Expanded Health Cluster na  inaprobahan naman ng Batanes COVID-19 Task Group.

Ayon sa Provincial of Government of Batanes, magiging epektibo ang naturang kautusan sa ilalim ng Executive Order No. 05 s 2022 sa March 01, 2022.

Ang nasabing desisyon ng task force ay nakabase rin umano sa high vaccination rate ng probinsya kung saan nasa 15, 633 individuals na ang fully vaccinated.

Katumbas nito ang 107.69% sa target eligible population ng probinsya habang 56.66% na rito ang nakatanggap ng kanilang booster shot.

Samantala, ang mga unvaccinated individuals naman na walang simtomas ng covid-19 ay kinakailangag sumailalim sa 10-day home quarantine.

Sa mga symptomatic na fully vaccinated traveler naman ngunit negatibo sa RT-PCR test ay kailangan paring sumailalim sa 7-day quarantine sa provincial government isolation facility at 14-day isolation naman para sa mga symptomatic na unvaccinated individuals.

Bagaman mayroong pagbabago sa COVID-19 Protocols and Policies ng Batanes ay nananatili pa rin ang hindi pagtanggap nito ng mga turista o non-essential travelers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *