DOLE Regional Office, nagkaloob ng tulong sa 12 na magtitinda sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE – Nagbigay ang DOLE Regional Office ng Nego Kart at mga livelihood starter kits sa labindalawang (12) mga magtitinda sa tanggapan ng DOLE/PESO sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Naging marubdob naman ang pagtanggap ng mga lokal na opisyal ng LGU na sina Konsehal Francisco bilang kinatawan ni Mayor Alex Pajarillo, Noel Ong at ng bagong PESO Manager na si Charlie Villamarzo sa opisiyales ng DOLE.

Ang pagkakaloob na ito ay pinangunahan nina DOLE V Regional Director Imelda E. Romanillos at DOLE Camarines Norte Provincial Director, Cherry Mosatalla.

Binigyang diin naman ni Regional Director Romanillos sa mga magtitinda na pahalagahan ang mga ibingay sa kanila dahil ang mga ito ay para sa kanilang paghahanap buhay. Labis naman ang pasasalamat ng mga magtitindang napagkalooban ng tulong at nangakong aalagaan at pagyayamanin ang mga iniabot na tulong sa kanila.

Gayundin, ang LGU Mercedes ay nagpaabot ng pasasalamat dahil sila ang napili ng ahensiya para sa kanilang programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *