Paglulunsad ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN), ipaprayoridad sa mga lalawigan ng Masbate, Camarines Sur, at Sorsogon

BNFM Bicol- IPAPRAYORIDAD ng Department of Health (DOH) Bicol ang paglulunsad ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) kaakibat ang tulong mula sa National Government Agencies (NGAs) at Non-Governmental Organizations (NGOs) sa mga lalawigan ng Masbate, Camarines Sur, at Sorsogon.

Read More:  UP condemns killing of student in Davao del Norte, urges swift probe

Kabilang sa mga nilalaman ng programang ito ang pagkakaroon ng panatag na pinagkukunan at abot-kayang masustansyang pagkain sa pamamagitan ng pagtatayo ng pamilihang lokal sa mga paaralan, komunidad, at lugar ng trabaho.

Layunin ng PPAN program na makapagbigay ng mas pinabuting serbisyo sa para sa proteksyon ng mga kabataan pati na rin sa mga buntis tungo sa matiwasay na pagpapatupad ng mga polisiyang nakalaan para sa mga benepisyaryo ng nasabing programa. # # # Nico Merciales, Intern

Read More:  Dump truck rams house in Agusan del Sur, kills 2

Photo from DOH