James Reid, mag babalik showbiz

Magbabalik-showbiz na ang singer-actor na si James Reid!

Kinumpirma niya ito kasabay ng pagdalo niya sa 7th Eddys o Entertianment Editors’ Choice noong weekend sa Ceremoniall Hall, Marriott Grand Ballroom.

Ayon sa aktor, nagplaplano talaga siyang bumalik sa pag-arte matapos maging busy sa kanyang pagkanta.

Napag-alaman din na may darating itong movie project, at sobrang excited niya umano para sa kanyang pagbabalik.

Aminado naman siyang gusto raw talaga niyang magpahinga at tuklasin ang sarili sa pamamagitan ng musika.

Sa nakalipas aniya na ilang taon ay talagang nakatuon lang siya sa paggawa ng kanta para malaman kung ano talaga ang gusto niya.

Sa huli, ibinahagi ng James na masaya siya sa kung nasaan man siya ngayon, at excited sa mga susunod na mangyayari sa kanyang karera. (Brigada Intern Khen Alix)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *