Pagkikita nina PBBM at former VP Robredo sa Sorsogon, unang hakbang sa paghilom – SP Escudero

Itinuturing ni Senate President Chiz Escudero na symbolic ang pagkikita-kita nila kahapon nina Pangulong Bongbong Marcos kasama ang dating Bise Presidente na si Leni Robredo sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena.

Sa ambush interview kay Escudero, sinabi nitong magandang kapulutan ng aral ng iba pang mga pulitiko ang nangyari kahapon, kung saan inantay ni former Vice President Robredo ang pagdating ni Pangulong Marcos sa arena at nag shake hands ang dalawa.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Kung maaalala nagkalaban si Marcos, Robredo at Escudero sa pagiging bise presidente noong 2016 election, habang naglaban rin sa Presidential race sina Pangulong Marcos at Leni.

Ayon pa kay Escudero, symbolic ang kaganapan dahil sa loob sila ng arena “nagkita-kita”, na isa rin anyang paalala na sa karera ng pulitika, dapat ring pairalin ang pagsunod sa rules and regulations, at pagtanggap ng maluwag kung sino ang magwawagi.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Bagaman nagtapos lang sa shake hands at hindi nagkausap sina Marcos at Robredo, naniniwala pa rin si Escudero na isa na itong hakbang tungo sa paghilom.