Nagbitiw na sa pwesto si National Prosecution Service Prosecutor General Benedicto Malcontento.
Kaugnay ito sa isinumite nyang irrevocable resignation letter na ipinadala nya kay Pangulong Bongbong Marcos na may petsang Oktubre 16 sa pamamagitan ni Dept. of Justice Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Ayon sa opisyal, epektibo sa lalong madaling panahon ang kanyang resignation.
Nakasaad sa kanyang resignation letter na limang tain na syang nagsisilbi sa NPS, kaya nagpasya syang sumubok sa ibang oportunidad.
Samantala kinumpirma ni Justice Secretary Remulla ang resignation ni Malcontento, pero wala pa raw ito sa record ng Office of the Executive Secretary.