Pagdagsa ng mga perigrinong dadayo sa Naga ngayong semana santa inaasahan ng simbahan

NAGA CITY – Isang linggo na lang ang natitira, papasok na ang semana santa kaya inaasahan ng simbahan ang pagdagsa ng mga perigrinong dadayo sa lungsod ng Naga partikular sa Naga Metropolitan Cathedral.

Sa panayam kay Rev. Fr. Domingo “aba” Florida, Rector at parish priest ng naturang simbahan, sinabi niyang nakalatag na ang mga aktibidad na gagawin tulad ng kumpisalan ng bayan at iba pa. Aniya, may koordinasyon na ang simbahan sa mga awtoridad sa pagpapanatili ng seguridad pati sa mga pastoral council para sa pagdiriwang ng semana santa, wala na ring restrictions hindi tulad noong pandemya.

Apila nito sa publiko, ang holy week o semana santa hindi lang basta pagdiriwang kundi panahon ng pagninilay,  pagbabalik-loob sa panginoon at paggawa ng kabanalan na siyang dapat na gawin at isabuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *