Illegal connection sa linya ng kuryente nangyayari pa rin sa Naga City

NAGA CITY – May mga pagnanakaw pa rin ng kuryenteng nagaganap sa ilang barangay sa Naga City, lalo na sa malalayong lugar na kung saan nagagawa sa pamamagitan ng illegal connection lalo na iyong malapit lamang sa poste ng CASURECO II ang bahay.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ito ang natuklasan nina Arthur Abonal head ng General Services Office sa ginawa nilang pag inspection sa mga barangay kaugnay na rin sa paglalagay nila ng street lights, bilang pagtugon sa kahilingan ng mga barangay opisyal na ilawan ang madidilim na bahagi ng nasasakupan.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Abonal, sinabi nitong nakakalungkot dahil matagal na silang nagbigay ng babala na huwag gawin ang illegal connection dahil labag ito sa batas na nakapalaman sa Republic Act 7832 o Anti-Electricity Pilferage Act of 1994, bukod pa diyan ay delikado ito sa buhay ng tao.