PAGASA, may pagkukulang umano sa naging pagresponde sa pananalasa ng Bagyong Carina – senador

Binanggit ni Senador Win Gatchalian ang tatlong rasong nakikita niya sa pagkakaroon ng matinding pagbaha sa kanyang lugar sa Valenzuela at sa Metro Manila.

Ayon kay Gatchalian, base sa kanyang obserbasyon, nangyari ang matinding pagbaha sa mga nabanggit na lugar dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan, pagkakaroon ng high tide at maging pag-apaw ng ilang tubig sa dam.

Dahil dito, kailangan lang umanong i-redesigned ang mga flood control projects upang maisaalang-alang ang mabilisang urbanisasyon at pagdami ng mga populasyon sa Metro Manila.

Samantala, napansin naman din ni Gatchalian na nagkulang ang PAGASA sa pagbibigay ng abiso sa mga lokal na pamahalaan kaya na-trap ang ilang residente sa kani-kanilang bahay.

Pero ayon sa senador, upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon ay magandang magkaroon ng malawak na drainage system.