PCSO – inatasan ang mga branch na tumulong sa relief sa apektado ng Bagyong Carina

Ipinag-utos ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles sa mga branches ng kanilang tanggapan na tumulong sa mga isinasagawang relief drive sa mga lugar na apektado ng Super Typhoon Carina at ng pinalakas na southwest monsoon.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ito ay kasunod ng naging utos ni Pangulong Bongbong Marcos sa lahat ng mga frontline agencies upang matiyak ang agarang tulong sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.

Una nang pinlano ng PCSO team na magkasa ng relief operation sa Camanava ngunit dahil sa taas ng baha ay minabuti nilang bumalik muna sa opisina.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Samantala, nakatakda ring magsagawa ang ahensya ng isang corporate social responsibility activity ngayong araw.