PAF, nakatakdang lumahok sa Pitch Black 2024 military exercise sa Australia

Lalahok sa Pitch Black 2024 military exercise ang Philippine Air Force sa Darwin, Australia sa Hulyo.

Ang naturang aktbidad ay isang multi-national air exercise
na nakatutok sa Offensive Counter Air and Air Interdiction sa pangunguna ng Royal Australian Air Force.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo, ang PAF contingent ay binubuo ng mga planners, pilots, at crew.

Ito aniya ang unang pagkakataon na magpapadala ang PAF ng FA-50 fighters para sumali sa multilateral interoperability exercise.

Inaasahan ng PAF na ang pakikilahok ng kanilang Air assets sa naturang ehersisyo ay magiging pagkakataon para mapahusay ang kanilang tactics, techniques and procedures.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *