Bilang ng mga indibidwal na apektado ng El Niño phenomenon, pumalo na sa higit 1 milyon

Pumalo na sa higit 1 milyon ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng El Niño phenomenon sa bansa.

Batay sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa 1, 000, 017 ang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng tagtuyot o katumbas ng 212, 562 families.

Ang mga apektadong pamilya ay mula sa 1, 350 na barangay sa MIMAROPA, Regions 6, 9, 12 at CAR.

Tuloy tuloy naman sa pagbibigay ng ayuda ang pamahalaan sa mga apektado ng El Niño.

Sa katunayan nasa halos P500M na tulong na ang naipagkaloob na kinabibilangan ng mga food and non-food items, financial assitance at hygiene kits.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *