CASURECO II, nasorpresa sa pagnipis ng kuryente sa Luzon Grid

NAGA CITY- Nasorpresa ang Camarines Sur II Electric Cooperative II  (CASURECO II) sa pagnipis ng supply ng kuryente sa Luzon Grid/ sa kabila ng matagal paghahanda sa epekto ng El NiƱo Phenomenon.

Matatandaan na nagpalabas ng advisory ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ukol sa pag forced outage ng 19 na mga power plants o planta, kasabay rito ang Red Alert Status at anunsyo ng manual o automatic load dropping.

Sinabi sa brigada News FM Naga/ ni CASURECO II Spokesperson Rinner Bucay, ilang beses nang nangyari ito tuwing summer, sana aniya ay malaman ng pamahalaan  kung ano talaga ang estado sa supply ng kuryente. Una nang sinabi sa BNFM Naga ng NGCP na hindi nila masasabi ang estado dahil nakapende rin sila sa Department of Energy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *