PAF, inihahanda na ang air assets sa posibleng repatriation flights para sa mga OFWs sa Israel

Inihahanda na ng Philippine Air Force ang kanilang mga air assets sa posibleng repatriation flights para sa mga OFWs na apektado ng kaguluhan sa Israel.

Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, handang rumespunde anumang oras ang kanilang C130 at C295 aircraft na may complement aircrew at medical and security personnel kung sakaling atasan ng kanilang higher headquarters.

Ang combined capacity aniya ng parehong aircraft ay maaaring makapag transport ng higit sa isang daang Pilipino mula sa conflict area ng Israel.

Sinabi ni Col. Castillo na ang PAF ay nananatiling handa at nakatuon sa pagtugon sa mga pangangailan ng ating mga kapwa Pilipino sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *