P1-Milyong halaga ng shabu nasamsam sa operasyon PDEA at PNP sa Camarines Sur

Naga City – Aabot sa isang milyong piso na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam nang PDEA at PNP sa magkakasunod na Anti-illegal Drug Operation sa Libmanan Camarines Sur.

Ayon sa ulat na nakalap nang Brigada News FM Naga, unang sinalakay ang isang drug den sa Barangay San Juan sa bisa ng search warrant, kung saan nadatnan sa lugar si Julio Navarro Jr. 36-anyos, umano’y drug den maintainer at ang mga kasamahan nitong sila Eduardo Vargas, 22-anyos, isang shoemaker ng Brgy. Poblacion; John Rey Brioso , 30-anyos isang driver at ang 38-anyos na si David Casulla Jr. habang gumagamit ng pinagbabawal na gamot.

Read More:  High school students stabbed after street attack in Davao City; six minors taken into custody

Nakumpiska ang isang pakete na may lamang pingahihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P340K.

Makalipas ang ilang sandali, sunod na man na sinalakay nang kaparehong grupo ang bahay ni Eduardo Vargas Jr. 47-anyos ng Brgy. Poblacion kaparehong bayan at kinokonsederang  High Value individual.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat

Narecover ang apat na heated sealed transparent plastic bags na naglalaman nang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P680K.

Ang mga nahuling suspek pati na ang mga nasamsam na ebidensya ang nasa pangangalaga na ng PDEA-Camarines Sur.