Senate probe sa nag-expire na COVID-19 vaccines tuloy, kahit pa palitan ng COVAX facility

Pursigido si Senator Risa Hontiveros na paimbestigahan sa Senado ang nasa P5 billion hanggang P13 billion na halaga ng mga expired COVID-19 vaccines, kahit pa committed umano ang COVAX facility na palitan ang naturang mga doses.

Giit ni Hontiveros, may nagpabaya kaya kailangan may managot.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Dagdag pa ng senadora, inaksaya hindi lamang pera, pati na ang oras at resources ng national vaccination program, kaya ang mga responsable sa wastage ay hindi lang dapat umasa sa COVAX para linisin ang kanilang kalat.

Maliban dito, iminungkahi ng oppossition senator na ipakilala ang penal provision sa COVID-19 Vaccination Program Act, para mapanagot ang mga tao na nagsayang ng COVID-19 vaccines.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Ang pahayag ni Hontiveros ay matapos hilingin ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa Kongreso na amyendahan ang Republic Act 11525 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 at palawigin ang validity ng batas.