Naniniwala ang Office of the Vice President (OVP) na ‘unnecessary’ na ang nagpapatuloy na imbestigasyon sa paggamit ng budget ng opisina.
Ayon sa OVP, ang usaping ito ay hawak na ng Supreme Court.
Kung ipagpapatuloy umano ng mga mambabatas ang kanilang pagsisiyasat, posibleng magkaroon ng “constitutional crisis.”
Dagdag pa ng tanggapan, hindi na kailangan ang legislative inquiry dahil hindi naman nito nasa-satisfy ang requirement na nakasaad sa Konstitusyon hinggil sa ‘inquiries in aid of legislation.’