Hustiya ang sigaw ngayon ng mga kaanak ni Meliton Mayol Jr, ng Barangay Benolho, Albuera Leyte na walang awang pinagbabaril-patay ng riding in-tandem nung Martes, habang sakay ng kanyang tricycle at naglalako ng lansones sa Barangay Tinag-an, ng nabanggit na bayan.
Ang biktima ay isa raw sa mga political leader ni Kerwin Espinosa na tumatakbong Mayor sa nasabing bayan.
Ayon sa inisyal na imbitigasyon ng Albuera Municipal Police Station, sakay ang biktima sa kanyang tricycle kasama ang asawa ng biglang lapitan at pag-babarilin ng dalawang hindi pa matukoy na suspek sakay ng isang black Suzuki Raider 150 motorcycle, maswerti naman at hindi natamaan ng bala ang kanyang asawa.
Dahil sa daming tinamong tama ng bala, agad na namatay ang biktima at maswerti namang hindi tinamaan ang kanyang asawa.
Hanggang ngayon, patuloy parin ang hot pursuit operation ng kapulisan para sa posibleng pagak-huli ng mga responsable. (WITH REPORTS FROM JASON DELMONTE – BNFM TACLOBAN)