Overnight sa mga resort sa upper barangay ng Naga City, pina-iiwasan muna dahil sa lindol

NAGA CITY – Napakadelikado para sa mga mag-oovernight sa mga resort sa upper barangay sa Naga City kasunod ng mga lindol sa Bicol Region at huli nga ang magnitude 6.0 sa Masbate.

Ito ang sinabi ni Kapitan Domingo Ramos ng Barangay Panicuason.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Muling pinapaalalahanan ang mga resort owner na kung maaari iwasan na munang magpa-overnight lalo na sa Hotspring, lalo na’t hindi kayang matukoy kung kailan at anong oras maglilindol.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Bagamat mahina ang nasabing pagyanig na naranasan sa lungsod at probinsya kailangan pa rin mag-ingat lalo na’t sa naturang Hotspring at Malabsay Falls may mga pagkakataon na nakakaranas ng kaunting paglandslide ng lupa ayon pa sa Kapitan.