CAMARINES SUR- Nagdadalamhating sasalubungin ng pamilya ng isang pulis at mga kasamahan nito ang Bagong Taon; ang drug buy bust operation sa Camarines Sur nauwi sa pagkamatay ng operatibang pulis matapos itong barilin ng umano’y target.
Sinabi sa Brigada News FM Naga kay PCAPT. Marlon Lladoc , spokesperson ng PNP Camarines Sur nangyari ang transaksyon ng mga tropa ng Tinambac PNP sa Baao Catholic Cemetery pasado alas-3 ng hapon nitong Martes, Dec. 26, 2023. Pero nakatunog ang isa sa mga target at binaril ang pulis na si PSSg Richard Rodero ng Tinambac PNP.
Kaagad na tumakas ang isa pang suspek na hindi muna isinapubliko ng PNP ang pangalan, habang ang kasamahan nito ay isinugod din Bicol Medical Center sa Naga City matapos na mabaril din ng pulis.
Habang isinusulat ang ulat na ito, nagpapatuloy ang hot pursuit operation para mahuli ang nakatakas na suspek.
Dagdag ni Lladoc, matagal nang minomonitor ang target, hindi nagkakasundo sa lugar ng transaksyon kaya umabot hanggang sa bayan ng Baao.
Nag paabot ng pagsaludo at pakikiramay ang PNP sa lalawigan.