Manu-manong pagsalok ng tumapong langis sa loob ng barko ang ginawa ng Philippine Coast Guard nitong Huwebes.
Ito ay nang simulan na ng PCG ang oil recovery operation sa sumadsad na MV Mirola 1 sa katubigan ng Sitio Quiapo, Barangay Biaan, Mariveles, Bataan. Sa update ng ahensya, inilalagay ng mga Coast Guard personnel sa malalaking drum ang nakolektang langis na dadalhin naman sa isang waste disposal facility.
Ayon sa PCG, ito ay para masigurong hindi makapagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng mga residente ang mga sinalok na langis at hindi na kumalat pa ito.
Kahapon ay nagsagawa rin ng drone aerial surveillance ang PCG at PDRRMO Bataan sa lugar./Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: PCG