CAMARINES SUR — Pormal nang umupo na ngayon sa pwesto ang bagong talagang Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office na si PCol. Virgilio Olalia Jr. mula sa Operation Unit ng Police Regional Office 5.
Kahapon Hulyo 31, isinagawa ang Turn-over of Office Ceremony sa Digital Tansformation Center, Capitol Complex, Pili Camarines Sur sa pangunguna ni Regional Director PBGen Andre Dizon, at Honorable Vincenzo Renato Luigi R. Villafuerte Gobernador ng lalawigan bilang panauhing pandangal.
Sa mensahe ni Dizon pinasalamatan nito ang panunungkulan ni PCol. Julius Caesar Dominggo bilang director ng Camarines Sur, kinilala rin ang kahusayan sa kaniyang trabaho at tungkulin lalo na pagdating sa siguridad, illegal na droga at kriminalidad.
Samantala, bago ito, nagpasalamat naman ang pinalitan ni Olalia na si PCol. Dominggo sa mga naging katuwang sa pamamahala ng PNP sa probinsya.