NUPL umapela sa ICC na huwag itigil ang probe sa drug war ng Duterte admin

Umapela ang grupo ng mga human rights lawyers sa International Criminal Court (ICC) na ituloy ang imbestigasyon nito sa war on drugs ng Duterte administration.

Ayon sa National Union of People’s Lawyers (NUPL) hindi dapat magpadala ang ICC sa mga sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Ginawa ng NUPL ang pahayag matapos ihayag ng ICC na sinususpendi nito pansamantala ang sana’y imbestigasyon sa drug war ng pamahalaan kung saan libo-libong mga suspek ang napatay sa mga operasyon.

Dagdag pa ng grupo, maraming pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings ang umaasa na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Sinabi ng NUPL na dahil sa desisyon ng ICC biglang naglaho ang pag-asang ito.

Inihayag naman ng ICC na magpapatuloy ang analysis ng mga impormasyong hawak na nila pati na ang mga bagong report na kanilang matatanggap.