Alert level 1 sa Metro Manila posible sa Dec. 1 – DILG

Inihayag ni DILG Usec. Epimaco Densing na malaki ang posibilidad na bumaba pa sa alert level 1 ang COVID-19 status sa National Capital Region.

Ayon kay Densing kung pagbabasehan ang pagbaba ng kaso ng virus at mataas na vaccination rate, tanging ang Metro Manila pa lamang ang pasok sa requirements para mailagay sa Alert level 1.

Read More:  DOTr orders two Manila bus terminals to explain violations

Kasunod naman umano dito ayon Densing ay ang Calabarzon region.

Read More:  Palace clarifies Marcos administration’s super El Niño response goes beyond buckets

Una nang sinabi ng DILG na simula sa Lunes, lahat ng rehiyon sa bansa ay susundin na ang pagpapatupad ng alert level system at mas pagtutuonan ang pagpapatupad ng granular lockdowns.