DILG hindi pa naglabas ng show cause order sa mga LGUs na may mababang vaccination rate

Patuloy ang mahigpit na monitoring ng Depertment of the Interior and Local Government sa labing-pitong rehiyon kaugnay sa takbo ng bakunahan laban sa COVID-19.

Ayon kay DILG Usec. Epimaco Densing batay sa kanilang naobserbahan tumaas ang vaccination rate sa halos lahat ng lugar sa bansa.

Read More:  VP Sara Duterte says impeachment complaint lacks evidence

Sa katunayan malapit na sa 1.5 million doses ng COVID-19 vaccine ang naituturok kada araw sa buong Pilipinas.

Sinabi naman ni Densing na wala pang inilalabas na show cause order ang DILG sa mga LGUs na mayroon mababang vaccination rate.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Patuloy umano ang pagtalima ng mga ito sa naging kautusan ni Pangulong Duterte na pataasin ang bilang ng mga nababakunahan sa kanilang nasasakupan.