NPA member, sumurender sa Masbate

Isang miyembro ng New People’s Army ang sumurender sa Pulisya sa Pio V Corpus, Masbate.

Ayon sa ulat, mismong ang Pio V Corpus MPS ang nagfacilitate sa pagsurender ni alias ‘Ka Tom,’ 38-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy Poblacion ng nasabing bayan.

Ito umano ay nanungkulan sa hukbo sa ilalim ng pamumuno ni Rogelio Suson alias ‘Manong’ na nag-ooperate sa pangatlong distrito ng Masbate.

Aktibong lumalahok ito sa rebeldeng grupo partikular sa bayan ng Esperanza at Pio V Corpus bilang Militia ng Bayan ng Platun 1, Larangan 2, Komite Probinsyal 4.

Kasamang ibinaba nito ang kanyang kalibre b38 na revolver na walang serial number at tatlong pirasong bala para sa nasabing baril.

Ang boluntaryong pagsurender ni ‘Ka Tom’ ay resulta ng serye ng mga negosasyon at kampanya ng impormasyon ng Retooled Community Support Program (RCSP) ng nasabing himpilan ng Pulisya.  

Nagbunga naman ng negatibong resulta sa Logistic Data Information Management System (LDIMS) ang baril na isinurender nito

Nasa kustodiya na ng Pio V Corpus Police ang nasabing surrenderee para sa debriefing at tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *