Naglabas ng isang video ang Ukraine Center for Strategic Communications and Information Security kung saan makikita ang mga sundalo mula sa North Korea na kasama ang ibang sundalo ng Russia.
Base sa video na inilabas ng Ukraine, makikita ang mga sundalo sa North Korea na kumukuha ng mga uniporme at armas.

Ayon kay Ukraine Center for Strategic Communications and Information Security Ihor Solovey, nakuha nila ang nasabing video mula sa kanilang sariling sources kaya hindi ito pwedeng iditalye sa publiko.
Mababatid na nagkaroon ng kasunduan ang Russia at North Korea para sa isang strategic partnership sa military assistance kung saan nasa 11,000 umanong sundalo mula North Korea ang sumasailalim sa training sa may hilagang bahagi ng Russia. -END-