Iniulat ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa 2024 World Food Forum sa Rome na nakatuon ang gobyerno ng Pilipinas sa apat na key commodities upang makatulong sa global sustainable agriculture.
Ito ay ang mga abaca, kawayan, mangga, at seaweed.
Ayon kay Laurel, mahalaga ang mga produktong ito para sa lokal na ekonomiya, paglikha ng trabaho, at sustainable development.
Pinili ang mga ito dahil sa potential na makaakit ng investment at tumugma sa napapanahon na uso ng sustainable at regenerative agriculture.
Nanawagan rin ang kalihim na palakasin ang agrikultura sa pamamagitan ng mas mataas na kalakalan at pamumuhunan upang makamit ang mga target at makalikha ng sustainable livelihoods para sa mga magsasaka at mangingisda.