Kris Aquino, planong magpakasal sa kaniyang rumored Boyfriend?

Ibinahagi ni TV personality at aktres na si Kris Aquino na mayroon siyang nasa anim na autoimmune conditions at tatlo aniya sa mga ito ang nakamamatay dahil maaaring magdulot ng stroke, aneurysm, o cardiac arrest.

Kasabay nito ay binanggit din ni Kris ang tila pagpapahiwatig na may mangyayaring kasalan sa pagitan ng kaniyang non-showbiz boyfriend.

Ayon sa Queen of All Media, “Apologies, but until my groom and I exchange vows, in that very small wedding (but surely not held outdoors) I’m choosing to keep my relationship private.”

Nangako naman si Kris na hindi siya susuko lalo na para sa kaniyang mga anak.