NICA: malaking hamon ang pagtukoy kung saang bansa galing ang gumawa ng deepfake audio ni PBBM

Aminado ang National Intelligence Coordinating Agency o NICA na malaking hamon sa kanila ang pagtukoy sa bansa kung saan nanggaling ang mga gumawa ng deepfake audio ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa pahayag ni NICA Deputy Director General for Special Concerns Abelardo Villacorta, sinabi niyang bagamat alam na nilang mula sa ibang bansa ang may gawa, nahihirapan silang matukoy ang eksaktong pinanggalingan dahil sa paggamit ng mga ito ng virtual private network o VPN.

Gayunpaman, aktibo ang ugnayan ng NICA sa kanilang mga counterpart sa ibang bansa, at mayroon silang matibay na suporta mula sa mga ito.

Sa ngayon, mayroon nang mga leads ang NICA subalit hindi pa nila ito puwedeng ilabas sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *