Patay ang isang 34-anyos na si Romulo Lapore Jr. nang bumangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa puno ng niyog sa Sitio Bunuangin, Brgy. Port Barton, San Vicente, Palawan bandang alas-sais ng umaga noong Miyerkules, Ika-1 ng Mayo.
Ayon sa ulat ng PNP, mabilis ang pagpapatakbo ni Lapore na pinaniniwalaang nasa impluwensya ng alak kasama ang hindi na pinangalanang angkas nito nang mag-overshot ito sa kurbadang bahagi ng daan bago bumangga sa niyog.
Sa lakas ng pagkabangga ay nagtamo ng pinsala sa ulo ang driver dahilan ng kanyang kamatayan habang nagkaroon din ng pinsala sa katawan ang angkas nito.
Samantala, ang motorsiklo ng mga biktima ay sa kustodiya na ng barangay.